Mommy ni Sunshine Dizon, lumambot na kay Timothy

Sunshine Dizon

HINDI namin naabutan si Sunshine Dizon sa Quezon City Prosecutor’s Office na nag-file ng kanyang sagot sa counter affidavit na isinumite nina Timothy Tan at Clarisma Sison na kinasuhan ng Kapuso actress.

Nagpadala lang ng text message ang manager ni Sunshine na si ­Perry Lansigan ng paliwanag ni ­Atty. ­Reeza Singson, ang bagong abugado ng kanyang ­alaga.

Sabi ni Atty. Singson, “We filed my rep­ly today their counter-affidavit and on November 3 they are expected to file their rejoinder.”

Tumanggi na munang magpa-interview si Atty. Singson dahil mas ma­buting mag-focus na lang muna sa kaso.

Nakausap naman namin kahapon ang ina ni Sunshine na si Mommy Dorothy, hinahayaan na lang daw niya ang kanyang anak na magdesisyon kung ano ang gusto nitong gawin sa kaso.

Pero kung siya ang masusunod, mas mabu­ting magkaibigan na lang sana ang dalawa alang-alang sa kanilang mga anak.

“Syempre naman, kung ikaw ang anak, gusto mo bang makulong ang tatay mo?” pakli ni Mommy Dorothy.

Alam niyang malabo na ngang makipagbalikan si Sunshine kay Timothy, pero puwede raw maging civil na lang sila para sa kanilang dalawang anak.

Medyo lumambot na si Mommy ­Dorothy sa kanyang manugang. Ibang-iba ito noong nakakausap namin ­siya na galit na galit kay ­Timothy.

Nagkakausap na rin daw sila ngayon ng manugang niya, pero tungkol lang daw sa bata ang pinag-usapan nila.

“Hindi ko naman ­sinasabi na magkaayos na sila ni Shine dahil ang anak ko naman ang bahala kung gusto na niyang makipag-ayos, eh.

“Basta ang sa akin lang, huwag lang maag­rabyado si Shine at mga apo ko,” patuloy na pahayag ni Mommy ­Dorothy.

“Alam n’yo naman ang pagkagirera ko kapag naagrabyado si Sunshine. Kaya bahala na siya kung ano ang gusto niya mangyari.

“Alam naman niya kung ano ang tamang gawin.

“Proud na proud ako sa mga apo ko. Napaka­talino nila, kaya kung masaya sila na kasama nila minsan ang Daddy nila, okay na sa akin ‘yun.

“Basta ang importante, masaya at huwag din maapi ang mga bata.”

Hindi itinatanggi ni Sunshine na may communication sila ni Timothy pero para lang sa kanilang anak ang pinag-uusapan.

“May kaso pa din po ongoing, at walang balak iurong. Kung mag-usap man kami about the kids, bilang magulang lang po nila.

“Hanggang doon lang po,” pahayag ni Sunshine.