Makapag-iisyu na ng traffic violation tickets sa mga pasaway na motorista ang mga tinaguriang ‘mommy’ traffic enforcers sa Maynila.
Ayon kay Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada, sumasailalim na sa advance traffic management training at seminar ang mga kababaihang traffic enforcers upang mabigyan ng tamang kaalaman sa iba’t ibang traffic rules and regulations at mga uri ng paglabag sa batas-trapiko.
Pangunahing responsibilidad ng mga mommy enforcers ang tumulong sa pagsasaayos ng trapiko sa paligid ng mga paaralan at pag-alalay sa mga batang tumatawid sa 72 public elementary schools sa lungsod.
Sa pangunguna ng MPTB sector commander, ang mga mommy traffic enforcers ay naka-duty sa shift na 6:00 am hanggang 9:00 am, 11:00 am hanggang 2:00 pm, o 12:00 ng tanghali hanggang 6:00 pm.
Tatanggap ng buwanang allowance na P6,000 ang mga mommies na enforcer.
Sana mayor mag isip pa ng maraming yrabaho para sa mamamayan natin dahil ang mga buhay masya lng ang hangad
Very goood job kay mayor hahahahaj ayos!!!!
SLaamat naman mayor erap isan goood job namn wow!!!!