tonite-annyeong-rose-garcia
Pinag-uusapan pa rin ang magkaibang statement ng dalawang agency. Ito’y ang YG Entertainment ng Ikon at ang MLD Entertainment ng Momoland.

Lumabas kasi ang balita na “dating” daw ang miyembro ng iKON na si Yunhyeong at ang isa sa member ng Momoland na si Daisy. Base sa balita, may tatlo hanggang apat na buwan na raw na nagdi-date ang dalawa.

May insider na nagkumpirma na may relasyon nga raw ang mga ito.

Sabi pa ng insider na lumabas din sa koreaboo.com, “They are great together and are a beautiful couple. They are being very consi­derate towards one ano­ther.”

Ang dating report na ito ay kinumpirma ng agency ni Daisy, ang MLD Entertainment at naglabas ng official statement na ang nakasaaad ay, “As a result of checking with Daisy, we have confirmed that (the two) have been dating for the past 3 months.”

Pero sinalungat naman ito ng agency ni Yunhyeong at itinanggi na dating ang status ng dalawang idols. Ayon sa inilabas na statement ng YG Entertainment, sa kabila raw na nagkita at nagkasama na ang da­lawa ng ilang beses, hindi raw ito nanga­ngahulugan na nasa “dating” stage na sila o mag-boyfriend/girlfriend.

Siyempre, marami rin ang nag-react at nagalit kung bakit magkaiba ang statement.

Lumalabas daw na idine-deny ng lalaki si babae.

Ilan sa mga comment na mababasa, “What a coward. If they’re da­ting, just say so. The woman’s side said they were. Tsk tsk.
“They should’ve talked to each other before releasing their statements!

“The guy’s side was mean…or should I say YG was mean.

“What’s going on here?”

“The girl confirmed it but the guy denied? She must be so embarrassed!”

“So what’s the truth!”

“So one side was dating and one side was just enjoying..?”
***

Kim Ji Hoon dinenay si Yoon Ho Yeon

Itinanggi ni Kim Ji Hoon ang dating rumors sa kanilang da­lawa ng SBS CNBC announcer na si Yoon Ho Yeon. Magkaibigan lang daw sila.

G. O. idedemanda ang basher

Ang South Korean boy band member ng MBLAQ’s na si G.O. ay nagbigay na ng warning­ sa commenter sa kanyang Instagram account. Pinost din niya ang IG account ng commenter o basher at sinigurado nitong ide­demanda niya.

Sandara sanib-puwersa kay Park Bom

Kumpirmado na featured artist si Sandara Park sa comeback solo album ng dati niyang ka-miyembro sa 2NE1 na si Park Bom. Dahil sa bali­tang ito, tuwang-tuwa ang mga fan ng disbanded­ na South Korean girl group.

Red Velvet Irene itinanggi ang North Korean leader

Idinenay ni Irene ng Red Velvet na fan niya ang North Korean leader­ na si Kim Jong Un. Nang mag-perform kasi siya sa North Korea, lumabas ang group picture na katabi niya ito at ang balitang fan nga niya ang controversial leader. Nagkataon lang daw na sila ang nagkatabi pero wala raw ibang meaning­ ‘yun.