Mon Tulfo: Okay lang na walang police escort

Hindi ‘big deal’ para kay Special envoy to China Ramon ‘Mon’ Tulfo na alisan ng police escort ayon na sa interview ng CNN Phi-lippines’ The Source kung saan, sinabi ni Tulfo na okay lang sa kanya na tanggalan ng escort.

“I am not angry at all. In fact, I am relieved because… the pressure would be off me. That’s a monkey off my back,” dagdag nito.

Ang pag-aalis sa police escort ng mga Tulfo ay may kaugna-yan sa masasakit na salitang binitiwan nito laban kay Social Welfare Secretary Rolando Bautista na tumangging magpa-interview sa kanyang radio program.
Ipinaliwang ni Tulfo na si dating Pangulong Fidel Ramos pa ang nagbigay sa kanya ng security escort dahil sa pagbabanta noon sa kanyang buhay ng Abu Sayyaf.

“I think it’s high time the Marines were pulled out because they are r­eally for fighting. But, then, I was given that; I asked for it and was given by the President. And, if they’re getting back my security, that’s it,”sabi pa nito. (Prince Golez)