Ikakasal na si Lotlot de Leon sa kanyang Lebanese fiancée na si Fadi sa Lunes, December 17, sa isang garden wedding sa San Juan, Batangas.
Nang makita namin si Ramon Christopher sa isang birthday party, asked namin siya ng mensahe para sa kasal ng dating asawa.
Smile muna siya sabay kalabit sa aming tiyan. Alam naming may kahirapan siyang interbyuhin ang tisoy na aktor pagdating sa kanyang personal na buhay kaya patuloy na ngiti lang ang aming nakikita sa kanya. Naging makulit kami sa pagtatanong, pero yakap naman ang ginawa niya sa amin.
At nagsalita rin siya. “Masaya ako para sa kanya,” tipid niyang sabi.
Kay Monching nakatira ang apat nilang anak ni Lotlot kaya ramdam namin na alam na niyang ikakasal ang ina ng kanyang mga anak.
Imbitado ba siya?
“Oo,” ang nasabi lang niya. Pero wala na kaming nakuha pang detalye kung si Lotlot ba o ang mga anak ang nag-imbita sa kanya.
Pupunta ba siya?
“Hindi,” mabilis niyang sabi.
May gift ba siya?
“Happiness.”
Nakita na ba niya ang magiging asawa ni Lotlot?
“Oo, nagkikita kami ‘pag may mga okasyon.”
Aniya pa, wala namang problema sa kanilang dalawa ni Lotlot. Maayos silang nagkahiwalay at magkaibigan pa rin sila hanggang ngayon.
Kumusta lovelife niya?
“Maayos,” ang say pa niyang nakangiti.
Boto ba siya kay Rayver Cruz na boyfriend ng kanyang panganay na anak na si Janine Gutierrez?
“Ayos,” sambit lang niya.
Samantala, mapapanood si Ramon Christopher sa isang teleserye ng GMA-7 at eere na raw ito sa January. Ayaw pa niyang sabihin ‘yung teleserye dahil bawal pa raw banggitin. (Boy Romero)