Nahablot ni Clyde Mondilla ang solo lead matapos ilista ang 71 sa second round ng US$60,000 ICTSI Orchard Golf Championship sa Orchard’s Player course kahapon sa Dasmariñas, Cavite.
Nakabangon si Mondilla sa dalawang bogeys nito, kumana ng apat na birdies upang paypayan ang five-under 139 at makalamang ng isang stroke kay Zanieboy Gialon.
Dalawang 70 ang binanatan ni Gialon para sa total 140 kapareho nito sina Elmer Salvador at Jay Bayron.
Tumikada ng tatlong birdie si Salvador sa huling siyam na butas para sa 70 habang si Bayron ay tumarak ng 69 para makahirit ng three-way tie sa second.
Nasa solo fifth si William Cannon ng US, nag bogey ito sa par-5 18th para sa 72.
Si veteran Frankie Miñoza na kasalo sa top spot sa first round ay nagkumahog, nirehistro ang 75-143 total upang saluhan sina John Catlin ng US, Gunn Charoenkul, at Joenard Rates ng Thailand.
Kumana si Charoenkul ng 68 habang 72 si Rates.