Sa final ball – money ball – nagkatalo ang 3-Point Contest ng 69th NBA All-Star Weekend 2020 nitong Sabado sa United Center sa Chicago.

Kinailangan ni Buddy Hield ng Sacramento Kings ang tibay ng pulso sa huling bola para iuwi ang 3-point crown.

Naitakda ang contest kina Hield, Devin Booker ng Phoenix Suns at Davis Bertans ng Washington Wizards matapos ma-knockout sa first round lang sina defending champion Joe Harris ng ­Brooklyn Nets, Zach LaVine ng Chicago Bulls, Duncan ­Robinson ng Miami Heat, Devonte Graham ng Charlotte Hornets at Trae Young ng Atlanta Hawks.

Unang bumato sa final round si Bertans, ­umiskor ng 22. Sumunod si Booker, naka-26.

Tulad sa first round nang walang imintis sa last 6 shots, kinailangang mag-init ni Hield sa dulo.

Huli sa kanyang limang full racks ang ‘­money ball’ rack – bawat bola ay worth 2 points. ­Nakarating siya sa money rack na may 19 points, ibig sabihin ay dapat 4 for 5 siya sa last rack para mahabol si Booker. (Vladi Eduarte)