Mongolia, SoKor nagkaisa sa boxing

Hindi magandang balita para sa Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) at maging sa propesyonal na boksing sa bansa.

Ito’y matapos na pumirma ang Mongolia at South Korea ng isang bilateral cooperation agreement sa Ulaanbaatar na epektibo ng dalawang upang mapalakas ang combat sport sa kanilang teritoryo.

Nasa kasunduan ang iba’t-ibang aspeto sa boxing na nakatutok sa pagpapaangat nang mataas na antas para sa mga Mongolian at Korean fighters.

Ang dalawang bansa ang matinding karibal ng ‘Pinas sa paghahangad na makasungkit ng medalyang ginto sa Summer Olympic Games, Asian Games, World Championships, Asian Championships at iba pang mga paligsahan.

Sina Mongolian Boxing Federation (MBF) president Dashdemberal Bat-Erdene at Korean Boxing (KB) chairman Kim Ji-hyun ang mga lumagda sa kasunduan.

Sumaksi sina MBF first vice president Enkhbat Badar-Uugan, at Mongolian 2006 Beijing Olympics men’s bantamweight gold medallst Enkhbat Badar-Uugan. Nagpulong na rin sa Seoul ang dalawang bansa para balangkasin ang pagtutulungan.

Kapwa sumabak ang dalawang bansa sa Asia-Oceania Olympic Boxing Qualifier para sa 2020 Tokyo Olympics sa Jordan noong Marso.

Dalawang Koreana ang nag-qualify sa women’s division, sina featherweight Im Ae-ji at lightweight Oh Yeon-ji, habang si Chinzorig Baatarsukhiin naman ang sa Mongolia sa men’s light. (Lito Oredo)