Nasa hulog at tama naman ang pahayag ni former Philippine taekwondo Olympian at sa kasalukuyan ay Makati Representative Monsour del Rosario patungkol sa national obsession of late, ang Ateneo Junior High School bully na huli ka balbon sa mga bidyo. Ang bata ay isang taekwondo jin at dahil nga si Monsour ay taekwondo master, hindi na kataka-taka ang kanyang strong worded reaction patungkol sa pangyayari.
Pahayag ni Cong. Monsour, “Yes, none of us are perfect. We’ve all made our mistakes and should not judge people loosely. But to the parents of the bully, let’s be very clear here. This is as firm a judgment as you will ever get from me: Your son is a FAILED representation of our beautiful sport.”
Ang secretary-general ng Philippine Taekwondo Association (PTA), itinuring ang kaganapan bilang, “hideous, weak and unacceptable.”
Hamon pa ni Monsour, “Raise your children better. Let’s all raise our children to be better. Let’s raise our sons – particularly those in martial arts – to be good men.” Maliban sa pahayag, ang PTA ay may ad hoc committee na binuo para imbestigahan ang alegasyon sa taekwondo jin dahil nga para kay Monsour at sa kanilang samahan, hindi dapat balewalain ang “serious matter.”
Sa pahayag na ito ni Del Rosario, hindi lang kitang-kita, kundi damang-dama mo ang respeto at pagmamahal na kanyang ibinibigay para taekwondo.
Kapuri-puri ang kanyang ginawang pahayag pati na rin ang katotohanang sa nalalapit na panahon, si Monsour ay magiging kauna-unahang Pinoy na hihirangin at mapapabilang sa Taekwondo Hall of Fame at siya rin ang mamuno sa Philippine delegation sa 2019 SEA Games chef de mission.
Sa paaralan kung saan nangyari ang alegasyon, mabilis na aksyon at resolusyon nawa ang maging kaganapan.
Sa mga humihiling na dapat “an eye for an eye, a tooth for a tooth” ang maging konklusyon na ito, the last time I check, milenyo na po tayo, diplomasya, hinahon at batas ang dapat pairalin lalo na nga’t bata pa ang inaakusahan, may pag-asa pa siyang magbago.
Xian binugbog, dinuraan
Dahil sa pangmalakasang kinasasangkutan ng isang mag-aaral mula sa Ateneo de Manila Junior High School, nagka-Celine Dion’s ‘It’s All Coming Back To Me Now’ moment si Xian Lim. Of course, not in a romantic way, huh!
Kung tutuusin, ang kanyang paglalahad sa kanyang social media accounts na he had his fair share of bully experiences as pre-pubescent boy, ay similar sa mga kuwento ng mga babaeng sinariwa at sinalaysay ang kanilang sexual abuse encounters sa Me Too movement.
Isa sa celebrities na naka-relate dito ay si Xian, na minsan nang umaming biktima ito ng bullying noong bata pa siya.
May kasamang photo of his 12 year old self ang mga pahayag ni Lim.
Sabi niya, “This is my picture back in middle school. I was about 12. I had no friends. I was called a loser for being an introvert and not knowing how to talk to other kids. I was called FOB for having a really strong accent. Kids would beat me up and spit on me and made my life hell.”
Pag-alala niya pa, “I didn’t want to go to school. I made up excuses and told my mom I felt sick. I did not feel safe. Bullies told me that I would get stabbed if I were to snitch on them.”
Kawindang ang bahaging ito, “One time I cried in front of the whole class because people would laugh and quietly say bad things about me. It made me a miserable kid. This made me hate school. I spoke up one time and snitched which resulted in me getting beat up some more, kicked in the face and have a knife pointed in my neck.”
Ang resolve niya noon ay, “I stayed quiet. I ate my lunch in the bathroom. I kept my lunch money in my underwear just in case I get ‘pocket checked.’ You do not want this to happen to your kids, trust me. You do not want this to happen to your brothers and sisters. You do not want this to happen to anyone. It has to stop.”
Ang kanyang payo sa mga dumaranas ng bullying, “If you’re being bullied right now, please speak up. We are here for you. There are others like you who feel scared and defeated. Life is precious. Life is short. Our time in this world given to us is not enough. Do whatever means necessary to have a happy, balanced life.”
Kusang-loob na makikipagtulungan sa kahit na anong organization para matuldukan na ang cycle of cruelty at ang bullying.
Dahil sa ginawang ito ni Xian na tunay namang nasa hulog, parang mahal ko na naman siya. Hahahahaha!
Pelikula ni Ricci may pag-asang maging MMFF Top 3
Ang pagpasa ba sa pihikang panlasa ng mga taga-Cinema Evaluation Board, garantiya na ang mga manonood, tatangkilikin talaga ang isang pelikulang Pilipino? May mga datos at pigura bang masasaliksik at makakapagsabi na ‘pag ang isang pelikula ay Graded A or B, sigurado siksik, liglig at umaapaw ang kita sa takilya? O maituturing bang box office poison ang mga nasabing marka?
Ang mga producer, masaya sa paggrado kasi nga may equivalent tax rebates ito. Malaking kaginhawahan sa kanila ang mga nasabing bawas-buwis.
Sa mga kasali sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF), ang mga pelikulang “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” at ang “Rainbow’s Sunset” ang nabigyan ng Grade A.
Ang “Aurora,” “Mary, Marry Me,” “Fantastica,” “The Girl in The Orange Dress” at “One Great Love” ay naka-Grade B.
Paano ba nagiging Graded A? Ano ang mga basehan? At ano ang kulang sa mga pelikulang Graded B at ‘yun ang markang iginawad sa kanila?
Saan puwedeng basahin ang mga paliwanag patungkol sa mga grading?
Ang pelikulang walang pretensyon, na ang tanging hangad lang ay makapanakot at mabigay ang hilig ng mga taong mahilig manood ng mga katatakutang pagtatanghal tuwing Kapaskuhan, ang “Otlum,” sooner than soon, malalaman na rin ang rating.
Marami ang nagsasabi na pelikula nina Ricci Rivero at Jerome Ponce ang underdog and dark horse at the same time ngayong filmfest. May isang batikan at respetadong direktor pa nga na ang pananalig, ito ang may pinakamalaking tsansa na maging Top 3 sa MMFF dahil nga it will fill the “Shake, Rattle and Roll” void.
O, hindi ba naman, “Otlum” for the box-office win! Eh ano naman ang mangyayari sa isa pang horror movie na “Aurora,” technically polished naman yata.