Monster RX 93.1, natigalgal kay DJ Karen

Regine Velasquez
Regine Velasquez

MASAYA ang mga taga ABS-CBN na makita ang Songbird na si Regine Velasquez sa bakuran ng Kapamilya network lunchtime kahapon.

Bukas naman lagi ang Kapamilya Network kay Regine.

Iyung mga importanteng milestone niya sa career like ‘yung first Best Actress niya sa TV ay sa Maalaala Mo Kaya at ang major concert special niya sa isang cultural open space sa Manila with an orchestra ay sa ABS-CBN din naganap.

Aminado naman na hindi gagastos ng ganu’n for a special ang GMA 7.

It turned out, guest pala si Ogie Alcasid sa Magandang Buhay at nanood lang si Regine.

***

Kamakalawa nang gabi nag-post sa Facebook ang FM radio station na Monster RX93.1 ng OFFICIAL STATEMENT kaugnay kay DJ Karen Bordador:

“RX 93.1 is shocked by the recent events concerning our DJ, Karen Bordador, who was implicated in a drug-related arrest. “Karen showed no indication in the workplace of any involvement with prohibited substances.

“Police authorities have filed charges against Ms. Bordador, and we trust that the ongoing investigation will bring out the truth.

“The station strongly condemns the use of illegal substances, and does not condone the use of drugs by any of our staff.

“Over several decades, RX 93.1 has built a ­reputation as a responsible, multi-awarded broadcast institution.

“We thank our listeners for their loyalty, and we assure the public that we will continue to be worthy of its trust and support.”

Ano kayang masasabi ng mga artista at celebrities na kaibigan ni DJ Karen?

***

CONFEERMED!!!

‘Yan ang textan ng mga kaibigan ng isang macho-gay director na nag-tweet ng, “We can always take a driver-lover” pagkatapos ng pag-uugnay kay Senator Leila Delima sa kanyang driver.

Hay naku, sabi ng mga nakakakita sa macho-gay director sa mga madidilim na sulok ng gaybars, hindi kaya ito ang mga gjnagawang driver-lover ni Direk na ikinabibigla ng staff na nagi­ging assistant na rin niya sa mga taping?

***

Tuloy ang mga hiwaga at tunggalian sa Magkaibang Mundo, ang panghapong telefantasya ng GMA 7.

Palalayuin ni Amanda (Assunta de Rossi) ang nak na si Pepay (Louise de los Reyes) kay Inoy (Juancho Triviño).

Lalagyan ni Barang (Ana Capri) ng mga pigsa si Amanda.

Nalalanta na ang bulaklak ng Ayumag…

BTW, pangungunahan nina Louise & Juancho ang mall show ng Magkaibang Mundo ngayong Biyernes nang 4:00 PM sa CSI The City Mall sa San Fernando, La Union.

Present din dito sina Dion Ignacio & Isabelle de Leon.