NI: ROLDAN CASTRO
Nanawagan si Matteo Guidicelli sa kanyang proyekto na One Voice Pilipinas. Ginanap ito kahapon sa kanyang Facebook page Live.
Sey niya: “Unity will make us stronger, especially during these difficult times. Your donation will help bring relief to our fellow Filipinos affected by COVID-19 pandemic.
Let’s unite to raise funds for families in need.”
Mahigit na P4M ang nakolekta niyang donasyon sa limang oras na livestream .
Kasabay ng proyektong ito ay first monthsary ng kasal nila ni Sarah Geronimo.Sumuporta ang kanyang misis sa nasabing proyekto. Mahigit 4 hours bago nagpakita ang Popstar Royalty at tinabihan ang asawa.
Nagsilbing co-host ni Matt si Kean Cipriano. Ang mga guest sa FB Live ay sina Jericho Rosales, Judy Ann Santos, Kylie Verzosa, Joey Generoso atbp.
Makahulugan ang selebrasyon ng monthsary ng AshMatt .Inuna nila na makalikom ng pondo para makatulong sa ating mga kababayan na apektado ng coronavirus.