Morado mga pamilya naman ang aayudahan

Matapos matulungan ang ilang mga ospital sa bansa na pumupuksa sa coronavirus disease 2019, mga apektadong pamilya naman ngayon ang tinutulungan ni Premier Volleyball League (PVL) star Julia Melissa ‘Jia’ Morado.

Lumagpas sa P1M halaga ng medical supplies at equipments ang naipamahagi ng veteran Creamlime Cool Smashers veteran setter katuwang ang kanyang boyfriend na si Miguel de Guzman.

Para sa “Every Little Thing Counts” project, sinubasta ng ilan pang sikat na volleyball stars ang kanilang jerseys upang makaipon ng pondo na gagamitinsa relief packages para sa apektadong pamilya ng gobal outbreak.

Nakasama ng 25-year-old, 5-foot-7 at Parañaque native volleybelle na mga nagbenta ng kanilang pantaas na playing uniform sina Madeleine Yrenea ‘Maddie’ Madayag, Katrina Mae ‘Kat’ Tolentino, Danielle Therese ‘Dani’ Ravena, Bernadeth Pons, Amanda Villanueva, Aiza Maizo-Pontillas, Kim Fajardo at iba pa.

Noong Huwebelumampas sa P300,000 na ang nalikom na halaga ng grupo ni Morado na may katumbas na 624 family food packs.

“Now more than ever, we must unite, recommit, & be there for each other. This time, we support our brothers and sisters who need it most in vulnerable communities,” tweet ni Morado kahapon. (JAT)