Humihingi ang Office of the Ombudsman kay Budget Secretary Benjamin Diokno ng mga ebidensya laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa naging pagpapatupad ng Disbursement Acceleration Program.

Ang hakbang ng Ombudsman ay kasunod ng pahayag ni Diokno na may mga ebidensya ang DBM na magdidiin kay Aquino.

“In light of the statement of Mr. Diokno that they have unearthed documents that probably have a bearing on the DAP, the Field Investigation Office today sent a letter to furnish us any document which he believes has a bearing on the DAP,” ani Morales.

Kung may mga ebidensya umano na maipiprisinta ay maaari itong magamit dahil may nakabinbin pang motion for reconsideration sa kaso ng DAP na inihain ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate.

“If the fact-finding investigation people can present evidence in the case, then, we will certainly consider that,” paliwanag ni Morales.

Una nang sinabi ni Diokno na may mga ebidensyang natuklasan sa kanyang tanggapan na sapat umano para madiin ang ilang pulitiko at ang Liberal Party (LP) noong nakaraang administrasyon.

2 Responses