Naglabas ng kanyang himutok sa Sandiganbayan si Ombudsman Conchita Carpio Morales kasabay ng mga desisyon nito na nagbabasura sa mga high profile cases sa batayang nagkaroon ng unreasonable delays sa imbestigasyon sa Office of the Ombudsman.
Buwelta ni Morales, mainam umano na tignan muna ng Sandiganbayan ang kanilang sarili, sa halip na ang delay sa imbestigasyon ay ang merito ng kaso ang dapat umanong bigyang bigat.
“We feel very strongly about the merits of the case. They involve millions, billions but the case is nipped in the bud when the trial court just dismisses the case because of inordinate delay. To deny there are shortcomings is being dishonest. But to say that because there are shortcomings, we should be faulted for it or the cases that we file belatedly should be dismissed is another story,” paliwanag ni Morales sa isang panayam sa kanya sa telebisyon.
Aminado si Morales na nalulungkot siya na ang kanyang tanggapan ang palagiang pinupuna kapag nagkaroon ng delay, gayong malinaw umano sa Konstitusyon na ang speedy disposition of cases ay dapat ginagawa sa lahat ng antas ng korte.
may nabago na ba sa hustiya? Habang nagsasampa ng mga kaso ang opisina ng ombudsman lalo naman yumayaman ang sandigan bayan na mga justices…mga ganid sa salapi..