Morales nandamay

VIGAN, Ilocos Sur — Ayaw tantanan si defending champion Jan Paul Morales ng kanyang bantay kaya isinabit na lang nito sa kanyang harurot para sikwatin ang Stage Two criterium kahapon sa LBC Ronda Pilipinas 2017.

Bumagal si Morales, 31, sa Stage One ng 158-kilometer, Vigan-Laoag-Vigan dahil sa mahigpit na bantay sa kanya ng karibal na si Cris Joven ng Kinetix Lab Army kaya lumanding ito sa 23rd bago ang Stage Two.

“Isinama ko na ‘yung nagbabantay sa akin tutal nasa unahan ‘yung mga kakampi ko,” patungkol ni ­Morales kay Joven na walang ginawa kundi sundan siya kahit saan tumungo.

Hawak ni Navy rider Rudy Roque ang bandera, bumira si Morales sa hu­ling 100 metro para makopo ang Stage Two sa tiyempong 1 hour, 11 minutes, 44 seconds sa 48.6 kilimoters race.

Pinedal ni 25-anyos Roque ang ­segundo upang mapanatili sa kanya ang LBC red jersey simbolo ng pagi­ging overall lead habang dumating na tersero si Joven.

“Ang plano lahat nasa bungad para makagalaw ng maayos at madaling ­kumawala sa mga kalaban,” wika ni Morales, tubong Calumpang, Marikina na nasikwat ang silver medal sa 2015 Asian Cycling Championship.

Pang-apat na tumawid sa meta si Bike Extrme cyclist Jaybop Pagnanawon sa event na iuuwi ng magkakampeon ang halagang P1 milyong premyo mula sa presentor LBC at sa pakikipagtulungan ng MVP Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Versa.ph, Partas, Maynilad, Standard Insurance, CCN, Bike Xtreme, NLEX, PhilCycling at 3Q Sports Event Management.