MAGKAKABUGAN ang ASAP Birit Queens na sina Morissette, Jona, Klarisse de Guzman at Angeline Quinto sa Abril 7 sa ­National Theater na nasa Old ­Airport St., Abu Dhabi.

Ito ang pambungad ng TFC (The Filipino Channel) sa pagdiriwang ng ika-20 na anibersaryo nito sa Middle East.

“Pupunta kami roon para ma-relieve ang home­sickness ng mga kababa­yan doon,” sabi ng The Next Big Diva na si Morisette.

“I am excited to perform and I am looking forward to how they will react sa mga Kapamilya performers tulad ko.”

Ang tickets ay mabi­bili sa halagang AED 250 (Platinum), AED 165 (Gold) at AED 95 (Silver). Para sa ticket outlets, bisitahin ang emea.kapamilya.com

May libreng isang ticket sa apat na tickets na bibilhin sa ilalim ng Barkada Promo (avai­lable para sa Gold at Silver tickets).