Winelcome na ng Lakers sa Los Angeles si Markieff Morris nitong Linggo.
Sinelyuhan ng Lakers ang unang napabalita ilang araw na ang nakakaraan na tatawid sa LA si Morris.
Para magkaroon ng puwang sa roster, binitawan ng Lakers si center DeMarcus Cousins.
Nakipagkasundo si Morris sa Detroit Pistons sa isang buyout noong nakaraang linggo. Nag-average siya ng 11 points per game ngayong season at tumitira ng career-high 4.3 attempt sa labas ng arc.
Para mapapirma si Morris, ginamit ng Lakers ang $1.75M Disabled Player Exception na nakuha nang magka-ACL injury si Cousins bago ang season.
Sa pagdating ni Morris, lumalim ang frontcourt ng Lakers sa likod nina Anthony Davis, JaVale McGee at Dwight Howard, at si sixth man Kyle Kuzma.
Makakapagpahinga na rin si Davis sa nalalabi pang dalawang buwan ng regular season. (Vladi Eduarte)