Tahasang pinabulaanan ng militar ang ulat na pinupuntirya nila ang mga mosque sa mga lugar ng bakbakan sa Marawi City.

Sinabi ni Lt. Col. Jo-Ar Herrera, spokesman ng Joint Task Force Marawi na kailangang alamin ang mga ulat na tinatarget ng AFP ang mga lugar ng pagsamba ng mga Muslim.

Iginiit nito na mahigpit ang bilin ng pamunuan ng AFP sa mga tropa nito na igalang at ‘wag aata­kihin ang mga mosque kahit alam ng militar na ginagamit ng Maute group na kuta at pinag-iimbakan pa ng mga bala ang mga mosque.

Una nang lumabas sa networking sites ang mga larawan ng isang mosque sa Marawi na wasak at tadtad ng tama ng bomba.