Hindi pa nabubura ang record ni Denis Abbatuan bilang rookie na may pinakamaraming iniskor sa isang laro sa kanyang unang taon sa PBA.

Ginawa ‘yun ni Abbatuan noong Okct. 30, 1984, umiskor ng 51 para sa Tanduay nang tambakan ang powerhouse NCC sa best-of-five battle-for-third ng Second Conference, 127-95, para sa 2-0 lead.

Tatlumpu’t limang seasons ang nakalipas, walang sumapaw sa ginawa ng 6-foot-2 center/forward.

Hindi napigilan si Abbatuan, pinagpalit-palit na ni NCC coach Ron Jacobs ang mga bumabantay sa kanyang sina Yves Dignadice, Tonichi Yturri, Alfie Almario, Jong Uichico.

Pinakamalapit na muntik bumura sa record si Benjie Paras noong 1989 – dalawang beses siyang umiskor ng 50 para sa Shell. Si Paras ang nag-iisang Rookie of the Year at MVP sa iisang season.

Ang PBA rookies na may pinakamaraming puntos sa isang laro, base sa listahan ni PBA chief statistician Fidel Mangonon III:

Allan Caidic – 48, Great Taste (1987); Ricky Brown – 46, Great Taste (1983); Bong Alvarez – 43 (Alaska, 1989); Eric Menk – 43 (Tanduay, 1999); Matthew Wright – 42 (Phoenix, 2016); Jun Limpot – 40 (Sta. Lucia, 1993); Romy dela Rosa – 40 (Shell, 1989).

Kasalukuyang 60-anyos na, dalawa ang tirahan ni Abbatuan – sa Antipolo at sa London kung saan medical doctor ang kanyang misis. (Vladi Eduarte)