Most wanted person nalambat matapos ang 14 taong pagtatago

Bago pa man ilabas ng korte ang warrant of arrest laban kay Gamboa, buwan ng Setyembre ng 2005 nang aprobahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) na ipalit bilang pangalan ng WPD ang Manila Police District (MPD) batay na rin sa rekomendasyon nina dating Philippine National Police (PNP) chief Director General Arturo Lumibao at National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Deputy Director Ge­neral Avelino Razon, Jr.

Gayunman, bago pa man makarating sa palad ng MPD Warrant and Subpoena Section ang inilabas na mandamyento de aresto ng hukuman, naglaho ng parang bula si Gamboa at hindi na siya nag-report sa Headquarters Personnel Holding and Accounting Unit.

Hindi na rin nagpakita sa kanyang mga kasama­han sa Meisic Police Station si Gamboa kaya’t iniutos ni Chief Supt. Bulaong ang malawakang pag-TUGIS sa akusado subalit bigo silang madakip at mapanagot ang pulis sa nangyaring pagpatay kay Victoria.

Bago magretiro si Chief Supt Bulaong ng taong 2006, inaprubahan niya ang rekomendasyon na tuluyang ma-dismiss sa serbisyo bilang pulis si Gamboa bunga ng tuluyan niyang pag-AWOL o absent without official leave.

Noong Agosto 1, 2006, naitalaga bilang acting chief of police ng MPD si Senior Supt. Danilo Abarzosa at ini­utos niya ang pagbuo ng task force na magsasagawa ng pag-TUGIS kay Gamboa matapos matuklasan na hindi siya lehitimong taga-Maynila kundi isang taal na taga-Nueva Ecija.