Mother Lily, bawing-bawi

Mother Lily Monteverde

“BAWING-BAWI na ako!” nakangiting pahayag ni Mother Lily Monteverde nang nakatsikahan namin sa Regal office kahapon.

Pumirma kasi bilang bagong Regal Millennial baby si Teejay Marquez na mina-manage na ni Arnold Vegafria.

Bago ang contract-signing, kinumusta namin kay Mother Lily ang Woke Up Like This na nasa ikalalawang linggo na sa mga sinehan.

Pasayaw-sayaw pa si Mother na sinasabi sa aming maganda ang kinita ng pelikula nina Vhong Navarro at Lovi Poe.

Hindi lang namin nakuha ang eksaktong figures, pero ang sabi sa amin eh halos P40M na ang kinita nito, at maganda pa rin ang peformance nito sa box-office hanggang ngayon.

Kaya magpapa-victory­ party na si Mother.

“Thank you sa suporta n’yong lahat, ha?” pakli ni Mother. Naniniwala siyang malaki ang naitulong ng movie press at social media kaya naging successful ang kanyang pelikula.

“Mayamang-mayaman na naman ako nga­yon,” pabirong pahayag ng Regal matriarch.

Sunud-sunod na pelikula na naman ang gagawin niya, at isa sa mga artista nito si Teejay Marquez.