Mother Lily, excited sa AlDub wedding

Maine Mendoza at Alden Richards
Maine Mendoza at Alden Richards
Maine Mendoza at Alden Richards

Nakita namin sa isang Chinese restaurant noong Lunes nang gabi si Mother Lily Monteverde.

Hindi ang tungkol sa pelikula nina Lovi Poe, Derek Ramsay at Christopher de Leon na The Escort ang itsinika sa amin ni Mother Lily.

Ang kuwento niya ay ang tungkol sa pagkakagulo ng fans sa Valencia Events Place ng Regal dahil doon ginanap ang ‘pre-nuptial’ photo and video shoot nina Maine Mendoza at Alden Richards.

Sobrang laki ng gastos sa preparasyon sa “kasal” ng AlDub na ang tsika ay mapapanood na sa Eat Bulaga ngayong Sabado. May mga nagsasabi naman na next weekend pa raw.
Sa Lunes (Oktubre 24) ang anibersaryo ng TAMANG PANAHON ng AlDub.

***

CONFUSED ang fans sa relationship status nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Marami ang dudang nagkabalikan na ang dalawa, pero hindi lang nila inaamin ‘yon!

Lalo pang kinilig ang fans na pabor sa relasyon nila nang makasama ni Bea si Gerald sa selebrasyon ng birthday ng aktres kamakailan.

May mga nakiki­usap na sana ay aminin na nina Bea at Gerald kung nagka­balikan na sila.

Ang iba, may dudang kaya hindi umaamin sina Bea at Gerald tungkol sa sinasabing balikan nila ay dahil sa sinasabing new teleser­ye ng binata with ex-girlfriend and former ka-loveteam Kim Chui.

Well…

***

Pinag-uusapan ang bagong morning series ng APT Entertainment, ang Trops.

Ilang kabataang nakilala sa Eat Bulaga ang magbibida sa Trops na magsisimula umere sa Lunes, 11:30 AM.

Ang tsika, timeslot daw dapat ng new show ni Kris Aquino ang timeslot na napunta sa Trops, pero ayaw namang pag-usapan ‘yon ng mga taga-APT Entertainment.
Ni ayaw nilang aminin na biglaan ang series na Trops.

Anyway, mga gumuwapo naman ang winners ng THAT’S MY BAE ng Eat Bulaga na magbibida sa Trops.

Mukhang may pro­mise naman ang show na ito, kaya puwede silang mag-rate, huh!

***

Excited ang fans ng Diamond Star na si Mari­cel Soriano.

Susugod sila sa Novotel Hotel sa Araneta Center sa Cubao, Quezon City para sa Star Awards MTV (Music and Television) ngayong Linggo.

Si Maricel ang tatanggap ng Ading Fernando­ Lifetime Achivement Award, kaya may musical number bilang tri­bute sa tinaguriang “Taray Queen” ng showbiz.

Sa musical number na ‘yon, mapapanood ang ilang mga sayaw na pinasikat ni Maricel.

Kung matatandaan noong araw, ilang beses nagkaroon ng musical shows si Maricel.