Mother Lily at Father Remy, luhaan sa theme song

MOTHER LILY & FATHER REMY

DOBLENG selebrasyon si Mother Lily noong Pasko.

Bukod sa ipinagdi­riwang nila ang Pasko, nagkasama-sama silang buong pamilya para i-celebrate ang 80th birthday ni Father Remy Monteverde.

Ginanap ang salu-salo sa Gloria Maris sa Greenhills na dinaluhan ng buong pamilya at malalapit na kaibigan sa Chinese community at showbiz.

Si Mother Lily ang aligaga sa pag-asikaso para sa minamahal ­niyang asawa.

Isa sa surprise ni Mother Lily para kay ­Father Remy ay kinanta nito ang theme song nilang In the Candy Store ni Tony Bennett.

Napaluha si Father at ganoon na rin si Mother na kitang-kitang sobrang in love.

Sabi ni Mother, siya ang nanligaw kay Father at tiniyak niyang sila ang magkatuluyan.

Ang ganda ng love story nila na puwedeng isapelikula. Natatawa si Mother nang tinanong namin kung sino ang type niyang gumanap sakaling isapelikula ang love story nila ni Father.

Pang-movie raw ta­laga ang kuwento. ­Kaya baka gagawin pa ito ng Regal.