NATUWA si Mother Lily Monteverde sa bagong movie ng Regal na Our Mighty Yaya.

Nagandahan siya rito nang mapanood niya sa premiere night nu’ng Lunes at nagalingan siya kay Ai Ai delas Alas.

Sey ni Mother, nakakatawa na nakakaiyak ang pelikula na bagay na bagay sa Mother’s Day. Graded B ito ng CEB.

Hangga’t maaari ay gusto ng Regal matriarch na meron siyang pelikula ‘pag Mother’s Day kaya happy siya na meron siyang Our Mighty Yaya this year.

Sa Sunday ay ise-celebrate ni Mother ang araw ng mga ina kasama ang pamilya niya.

Ine-expect niya na may gifts sa kanya ang mga anak at apo niya.

Ngayong Biyernes ay excited siyang magbigay ng speech sa event ng Film Development Council of the Philippines.

Inimbitahan siya ni FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra na magsalita tungkol sa kanyang pagiging ina sa mga anak niya at sa pagiging nanay niya ng industriya ng pelikulang Pilipino.

Hindi pa sure si Mother kung sasali ang Regal sa MMFF this year, although nauna nang in-announce na December filmfest ang target ng sirena movie nina Janella Salvador at Elmo Maga­lona na My Fairy Tale Love Story.