MASAYA ang Regal Films sa magandang kinalabasan sa box-office ng pelikula ni Ai Ai de las Alas na Our Mighty Yaya.

Sa pagpasok ng pa­ngalawang linggo ay u­mabot na ng P35M ang kinita nito sa takilya.

Happy na roon sina Mother Lily at Roselle Monteverde dahil halos lahat ng mga naglabasang pelikula ay mahihina.

Kaya sure silang may kasunod agad si Ai Ai sa Regal Films.

Masaya ang atmosphere sa victory party nito sa Valencia Events Place kahapon, pero naging emotional si Ai Ai nang napag-usapan ang mu­ling pagsigla ng career niya.

Nabanggit niya ito sa interview sa kanya ng PEP na napag-isipan na niyang tumi­gil sa pag-aartista at manirahan na lang sa Amerika kasama ang mga anak niya.

Pahayag ng Mighty Yaya, “Nasabi ko ‘to nu’n three o four years ago, dumaan ako sa maraming pagsubok.

“Namatay ‘yung nanay ko, flop ‘yung movie namin, mahirap tanggapin ‘yun. Tapos, nahiwalay ako sa asawa ko. Lahat nu’n, sunud-sunod na lang.

“Sabi ko sa sarili ko, may nagawa ba akong hindi maganda?

“Masamang kuwestiyunin si Lord, ‘di ba? Pero nu’ng nasaktan ako nu’ng time na ‘yun, tinanong ko si Lord kung ano ba ang nagawa kong masama, bakit nangyari sa akin ‘to?

“Kaya ako nagin­g emotional, kasi, eto ‘yung sagot.

“Sabi Niya, ‘Anak, maghintay ka lang. Kasi, ibabalik Ko sa ‘yo sa tamang panahon.’”

Nu’ng paglipat niya ng GMA 7, doon niya nakita ang sign na ibinalik sa kanya ng Diyos ang blessings kapalit ng mga pinagdaanan niya noon.

Kinausap siya ni Kuya Boy Abunda pagkatapos itong kinausap ni Mr. Tony Tuviera ng APT.

Doon inialok sa kanya ang Sunday Pinasaya.

Nabago ang lahat at naiiyak siya kapag naisip niya ito dahil doon niya nakitang marami pa rin palang naniniwala at nagmamahal sa kanya.

Ai Ai Delas Alas
Ai Ai delas Alas

Saad ni Ai Ai, “Kaya ako umiiyak, kasi, nawalan na ako ng kumpiyansa sa sarili ko, may mga tao pa palang naniniwala sa akin, si Boy, si Mo­ther Lily.

“Sabi ko kay Mother­, thank you for making me shine again. Saka kay Roselle (Monteverde) na naniniwala pa siya sa akin.

“Kaya ako emotio­nal, kasi nandiyan pala silang naniniwala pa rin sa akin at saka maraming tu­mutulong pa rin sa akin para manatili ako rito sa showbusiness.”

“Oh my God!” tili Mother. “Nasira ang make-up ko,” natatawang pakli ni Mother Lily habang pinupunasan ang luha nito.

Sagot ni Mother Lily sa emote ni Ai Ai, “Ai Ai, thank you for making me rich again!”

2 Responses

  1. Mother Lily wag plastic hahahaha…sabagay kahit 5 million ang net income e milyonarya na ang tawag hehehe…well 35 million for a box office star na si Aiai ay masasabing flop pa rin…magkano kaya yun sinasabi ni Aiai na flop yun huling pelikula nya..sa Star Cinema ba ito o iyun pelikula nyang indie? so kung blockbuster na yun 35 million e ang ibig sabihin e mas mababa pa run ang kinita ng huling pelikula ni Aiai sa Star Cinema? at saka magdadalawang isip na rin syang kunin ulit ng Star Cinema kasi sinira siraan mo sila nung paglipat mo sa APT at GMA7…kung kukunin ka nila sa pelikula e sa dahilan na nakalimutan na nila yun panlalalit mo sa mga nakatrabaho mo at nagpayaman sa yo

    1. Flop yung Past Tense with KimXi, last movie niya with Star Cinema (2014). Flop din yung Kung Fu Divas (2013) na distributed by Star Cinema. Nahawaan ng kamalasan ng madikit kay Marian Rivera.