Sobrang dami na ang personal kong natunghayang MGA aksidente sa daan na kasangkot ang motorsiklo.

Kapag nagkaroon ng trapik, asahan may aksidente. Kung hindi sa expressway, malaki ang posibilidad na isa na namang mot mot ang naaksidenteng sangkot.

Sa paanan ng Mantrade/Magallanes area paakyat ng interchange, may nasaksihan na akong nakahandusay na motmotista riyan.
Sa Pangasinan meron din akong nakita noong patungo kami ng Baguio minsan.

Sa Talisay, Batangas; sa Calamba, Laguna ganun din hindi lang isa kundi kapwa driver at angkas dedo sa daan.
At marami pang iba.

Bago ang lahat, nais nating batiin si Engr. Ivanhoe Adena ng Sulat, Eastern Samar ng mapagpalang birthday greetings.

Happy birthday Engr. Ivan mula sa aming lahat sa Conproma Corp pati ang lahat ng mga nagmamahal sa yo na mga Sulatnon!
God bless. More blessings to come.

Sobrang pinagpala ang kaarawan ni Engr Ivan. Kung hindi ba naman, aba’y mantakin niyong kasabay ng kaarawan niya ang kapistahan ng Black Nazarene ngayong araw.

Sa lahat ng motorista, mangyari ay umiwas muna sa mga daang dadaanan ng Traslascion.

Heavy traffic ang buong siyudan ng Manila ngayong araw, Enero a-9 tyak yan.

Lunes, Enero 7, 2019 tanghaling tapat, napasadlak mismo ang Moto Rista sa isang aksidente sa daan dito sa amin sa Sto Tomas, Batangas kasangkot ang isang Suzuki Raider 150 na dala ni Ernesto Atienza, isang production supervisor ng flour plant sa Makiling, Calamba, Laguna.

Kakasundo ko sa aking anak sa may gasolinahan tapat ng main gate ng Avida. Bahagyang pakurbada pakanan ang lugar kung kaya’t dederetso ka muna ng konti dahil kung hindi mabasa ng oncoming vehicle ang gagawing u-turn tyak aksidente.

At yan na nga ang kaganapan kamakalawa.

Nagulat sa aking palagay si Ernie sa pag-uturn ko ng van dahil nag-skid sa espalto ang kanyang mga gulong.

Mali ko din di ko nakuhang sumenyas at bukas naman ang bintana upang maalarmahan sana siya sa gagawin ko.

Gumewang, umilag sa gulong ng van ngunit umabot pa rin ang helmet niya sa bandang kanto ng van sa hulihan matapos niyang sumemplang.
Salamat pa rin sa Panginoon, galos lang sa kanang tuhod inabot ni Ernie at tanggal na side mirror sa kaliwa at damage sa visor ng Raider.

Ngunit lahat ng mga natunghayan kong aksidente ng motor sa daan nag-flashback. Ganun pala.
Sa ating lahat na motorista, ingat lagi. Palagiang eyes on the road, wag mag-cellphone, wag palingalinga.
To God be the glory!