LLANERA, Nueva Ecija — Patay ang isang rider makaraang sumalpok sa kasalubong na karitela noong Sabado ng gabi sa kahabaan ng Rizal-Pinagpanaan Provincial Road, sakop ng Brgy. Gen. Luna, sa bayang ito.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Mayor Ronnie Pascual, nakilala ang biktima na si Adrian Santos Simbulan, residente ng Gapan, Nueva Ecija.
Sa imbestigasyon ni PO3 Oliver Cardona, dakong alas-otso ng gabi nang bumangga ang biktima sa kasalubong na karitelang hila-hila ng kalabaw ng kutserong si Samiro DiraƱa Villador, residente ng Brgy. Casile sa bayang ito.
Sa lakas ng pagsalpok ay tumilapon si Simbulan na isinugod ng mga sumaklolo sa PJGMRMC sa Cabanatuan City subalit hindi na umabot nang buhay.
Kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property ang isinampa kontra kay Villador.