Patay ang dalawang sakay ng motorsiklo matapos mawalan ng kontrol ang drayber sa palusong na parte ng kalsada at mahulog sa may 50 talampakang bangin, kahapon ng hapon sa Polangui, Albay.

Isinugod pa sa ospital ang mga biktima subalit hindi na umabot ng buhay.

Kinilala ang mga biktima na sina Elmer Nimo, 33, residente ng Camalig, Albay, drayber ng motrsiklo, at backride nitong si Editha Caspe y Nimo,  nasa hustong gulang at residente ng Barangay Balinad.

Ayon kay Chief Insp. Arthur Gomez, tagapagsalita ng Albay Police Provincial Offcie (PPO), naganap ang insidente dakong alas 5:30 ng hapon habang binabagtas ng mga biktima ang palusong na parte ng Barangay Balinad at pagdating sa pakurbang bahagi ng kalsada ay nawalan umano ng kontrol sa manibela ang drayber kaya dumeretso sila sa bangin.

Mabilis rumesponde ang mga nakasaksing residente at dinala sa Ligao Emergency Hospital ang mga biktima subalit idineklara silang dead-on-arrival.