Motorsiklo vs. truck 3 patay sa Cotabato

Nasawi ang tatlo katao habang isa ang malubhang nasugatan sa salpukan ng motorsiklo at 10-wheeler truck sa Cotabato City kahapon ng hatinggabi.

Matinding pinsala sa ulo ang naging sanhi ng kamatayan ng mga biktimang sina Ronilo Librado Mides, 28, driver ng motorsiklo; Kaycee John Lorenzo, 23; at Michael Gaigoni, 27.

Ginagamot pa ngayon sa Cotabato Regional and Medical Center sa Cotabato City ang sugatang si Raymund Egaran Edriaira, 29.

Ayon kay Chief Insp. Realan Mamon, hepe ng Pigcawayan Police, lulan ng motorsiklo ang apat na mga biktima galing sa isang inuman at pagsapit sa Barangay Kapayuran, Pigcawayan, Cotabato ay bumangga ito sa kasalubong na Fuso canter truck na minamaneho ng sumukong driver na si Ronelio Dapitan.