Ito ang naging pahayag ni Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III kaalinsunod na rin sa naunsiyaming pagpupulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at United States (US) President Barack Obama.

Paniwala ni Pimentel, sa halip na usisain at pala­kihin pa ang naunsyaming pulong ng dalawang lider ay hayaan na itong tuluyang isantabi at mag-move on na ang lahat.

Aniya pa, Tutal nagkaayos na umano ang dalawa matapos na magkita sa Laos bago ang gala dinner.

“Move on na tayo, the two have met at nagkaa­yos na sila,” ayon kay Pimentel.

Nakakasiguro naman si Pimentel na sa mga susunod na panahon ay matutuloy din ang pagpupulong ng dalawang lider kung kaya’t sa ngayon ay dapat kalimutan na ang nangyari. Aniya pa, ang mahalaga ay wala itong naging masamang epekto sa relasyon ng dalawang bansa.

Mismong si Obama na umano ang nagbigay ng katiyakan na sa kabila ng nangyari ay patuloy na mananatiling matibay ang relasyon ng Amerika at Pilipinas.

One Response