ILANG araw at tulog na lang, magkakaalaman na kung marami pa rin ang nagmamahal at sumusuporta sa tambalan nina James Reid at Nadine Lustre. Acid test para sa kanilang reel at real partnership ang ipapalabas nilang pelikula, ang Never Not Love You.
Bakit kaniyo? Aba, kung oobserbahang mabuti ang kanilang karera bilang magkatambal, may persepsyon na ang kanilang kasikatan ay hindi na kasing init.
Isang taon na silang walang teleserye. Hindi naalinsunod ang kanilang mga pagiging co-hosts sa It’s Showtime. ‘Pag sila ay nasa show, pansin na pansin na si Reid, walang kagana-gana at enerhiyang mag-host.
Ang mga patalastas na kinilalang sila ang mga ambassadors dati, ibang artista na ang mga bida. Ang hamburger chain, si Joshua Garcia at Julia Baretto na ang bida. Muli, si Garcia na ang leading man sa sorbetes na silang dati ang nag-eendorso.
Ang mas nakakaloka pa, may mga ilang direktor na hayagan ang pagkadismaya, pag-kainis at pag-ayaw na sila ay makatrabaho. Pumutok ang balita dati na mismong ang direktor nila, si Antoinette Jadaone literal na natuliro dahil sa kanilang ‘professional behavior’.
Si Direk Cathy Garcia-Molina, kasalukuyang super bashed at super hated ng kanilang fanatics kasi sinabi nitong hindi niya bet na makatrabaho ang dalawa. At totoo nga ba ang usok na pati daw si Direk Dan Villegas, maaaring magsiwalat ng mga kakaiba nilang gawi?
Nakakapagdabog rin sa ibang mga entertainment reporter ang ‘pag-iinarte’ nila sa mga tanungan. Laging hindi tuwiran ang mga sagot. Parang nakakalimutan nila na sa lahat ng mga loveteam, sila ang packaged na most ‘daring’ at most ‘mature’ so ‘pag nagpapabebe at umiiwas sila sa mga sensitibong mga tanong, hindi na bagay.
Hindi na kasi Diary ng Pangit ang pelikula nila.
Marami pa rin ang nananalig sa JaDine kasi nga ‘yung huling konsyerto nila, talaga namang puno ang malaking performance venue. Let us just hope na yung more than 20,000 strong na pinanood silang sumayaw at marinig ang kanilang auto-tuned voices, eh magkapit-bisig muli para sa pelikulang ito.
Dalawang taon na ang kanilang relasyon, at emote nga ni Lustre tungkol dito, sabi sa isang panayam ay, “Ever since me and James got together, I can really say na it changed for the better.”
Ang pahayag naman ni Reid tungkol sa kanllang pelikula. “I’m sure they’re used to seeing the typical rom-com so we want to do something different. Something more dangerous, I guess. Daring.”
Panalo pa naman ang kanilang playdate. Majority ng mga Pinoy film na ipinapalabas kapag Sabado de Gloria, glorious sa takilya. Huwag naman sanang magiba at magbago ang katotohanang ito.
Cogie aminadong daks
SPEAKING of Reid, ang mahusay na aktor na si Cogie Domingo, isa siya sa mga artistang gustong makatrabaho ng huli. Pakiwari ni Domingo, pewede silang maging mag-kuya ni James. Para raw nakikita niya sa Fil-Aussie ang kanyang younger self.
Gusto niya ring mapasama sa FPJ’s Ang Probinsiyano, pinapanood niya ito at alam niyong kung mapapasali siya, malaking pagtulong ito sa kanyang binabalikang karera,
Ang diva that you love, isa sa mga naging co-anchors sa isang radio program at doon namin nakapanayam ang aktor. Juice colored! May kung unang bumulwak sa aking imaginary pagkababae nu’ng dumating na siya sa radio station. Guapo pa rin!
Ang mga life lessons niyang ibinahagi, “Choose your friends wisely. Finish your studies. Seek guidance from elders. Value your family. “
Pero mas panalo ang sharing niya tungkol sa mga babaing kanyang minahal. Nakakaloka huh!
Ang una niyang pag-ibig, ito ang babaing mula sa pagiging totoy eh naging binata at feeling mamang-mama na siya. Ito ang first niya sa lahat.
All he needed to learn about love and lust, sa babaing ito niya natutuhan. Magaling na magaling sigurong titser ang hitad. Hindi siya makalimutan ni Cogie, eh,
Sino ang babaing kankarot na ito? Huwag na, maligaya na naman siya sa buhay niya.
Ang pangalawang hindi na niya masyadong ininda dahil ‘puppy love’ lang daw ito, malala ang pagiging it’s complicated. Kaloka si girl, tatlo silang pinagsabay-sabay. Ang ganda-ganda niya talaga lalo na nga’t yung dalawang hombreng kasabay ni Domingo eh talaga namang matinee idols at heartthrobs din.
Nag-compare notes pala silang tatlo nu’ng nalaman nilang pinagsasabay sila. Nag-compares notes? Hindi ko napigilan itanong na, “Sino ang pinaka-gifted? Sagot agad ni Cogie, “Ako!” With a tandang pandamdam at full of confidence.
Wala na, ‘pag kasabi ni Domingo na gifted siya, parang agad-agad, mahal ko na siya! Hahahaha!