Ang ibang young princes sa kabilang kaharian, will they also do an Alden Richards?

Ang Kapamilya prince na si Daniel Padilla, na supposedly pinakasikat na prinsipe ng Dos, kailan kaya ipapadama ang kanyang appreciation?

Ang kakilala lang yata ni Padilla ay ang mga pralala, piranha at uring saguigilid writers na pulos hosanna at hallelujah ang isinusulat about him.

Ang pambansang bae, kahit ang mga manunulat na kritikal at bumabatikos sa kanya, he embraced and welcomed lovingly.

At bakit prince na ang title ni Daniel?
Hindi na siya pwedeng teen king dahil hindi na pan-teen ang edad niya.

Hindi rin pwedeng siya ang young king dahil andiyan si James Reid na mahigpit niyang kalaban sa Dos.

Si Reid din, na may imaheng suplado at may sakit na ‘amnesia’ dahil wala yata siyang press person na kakilala man lang on a first name basis, ni hindi magpa-party sa fast food joint that he endorses.

Dapat ba, laging may name tag sa dibdib of the press people para matandaan niya?
Sino kaya ang hu­ling press person na nagpasalamat personally si James?

At ang third prince, si Enrique Gil, will he also be as generous as Alden?
Malamang, hindi… lalo na’t hindi stellar ang performance sa takilya of Dukot.

Dinukot yata agad-agad ang prints sa sinehan para sa Imagine You and Me na ni Alden ang maipalabas.

***

HINDI pwedeng ikaila na may Kapuso stars na naramdaman natin ang pagsikat.
Ang mga bonggang halimbawa ay sina Ding­dong Dantes, Dennis Trillo, Jennlyn Mercado, Mark Herras at Ma­rian Rivera.

Naghari at nagreyna rin ang mga dating ka-Siyete na sina Richard Gutierrez at Angel Locsin.
Kung sikat pa sila ngayon? Kayo na ang humusga.

Lahat ng mga artistang binanggit, during the prime of their careers, left and right ang endorsements, high profile ang mga projects at eksaherada ang mileage sa print medium at social networking sites.

At ang mga hinalimbawa kong artista ay walang-wala sa kabaitan, kabutihan at pagiging gene­rous na si Alden Richards.
Bakit kanyo?

Si Richard lamang ang bukod tanging artistang sumikat sa Siyete na personal na nagpasalamat, nakipagkuwentuhan, nakipagdaupang palad sa members of the entertainment media na walang promo para sa isang proyekto.

Hindi Pasko. Hindi niya kaarawan.

Isang hapon ang kanyang inilaan para makasama ang mga manunulat at tiniyak niyang ispesyal ang thank you celebration.

Sabi niya, “I really have so much to be thankful for. The press is very important in my career dahil sila talaga ang nakatulong sa ‘kin since I star­ted my journey.

“But I thank not only the press, but also the public and the Lord for all the wonderful things happening to my career now.”

You are most welcome, Alden. The plea­sure is ours.

2 Responses

  1. Kayo talagang syobis writers kunohay, ang mabait para sa inyo ay yung mga artista na hawak nyo sa leeg at kaya ninyong huthutan. Mga mukhang pera kayo at kasama sa sinasabi ni digong na lowlife.