HABANG nakatutok kami sa hearing sa Kongreso ng drug probe sa New Bilibid Prison kung saan nadidiin si Sen. Leila de Lima, may ilang kaibigang movie press ang nakausap namin at nagtatanong kung naimbitahan ba kami sa presscon noon ni Herbert Colanggo.

Si Colanggo ang isa sa iniupong witness sa hearing kahapon at matindi ang mga rebelasyon niya.

Binanggit niyang mala-Las Vegas ang Maximun Security sa BJMP at kung paano siya kumita ng malaki sa pagbebenta ng droga at beer.

Nakakabenta siya sa loob ng preso ng halagang P10,000 ng isang kahong beer.

Meron siyang mala-hotel room sa loob kung saan nakakasama ang isang magandang model na nababayaran niya ng P25,000 talent fee.

Kung totoo itong lahat na inilahad niya, nakakalula ang kinikita niya kahit nakakulong pa siya.

Nakakalula rin ang i­binibigay niyang monthly na pam-PR na ibinibigay sa ilang matataas na tao sa gobyerno lalo na kay Sen. De Lima na Justice Secretary noong panahong iyun.

Kung totoo itong ikinukuwento ng mga umupong witness lalo na si Colanggo, talung-talo ang mga kuwentong napapanood natin sa mga drama series.

Pati ang umupong witness na si Rodolfo Magleo at si Colanggo ay dramang-drama rin kung magkuwento.

Ang galing pang mang-intriga nitong si Magleo.

Kaya ang da­ming nag-enjoy sa pa­nonood at pakikinig sa naturang hearing.

Napapag-usapan ng ilang kaibigang movie press, sa laki ng kinita ni Colanggo sa kulungan, malamang na gumastos siya nang malaki sa pag-promote ng album at concert niya, at pati kaya ang pagkapanalo niya sa PMPC Star Awards?

6 Responses

  1. sino ba si Colanggo at Magleo,,,parehong convicted kriminal mga yan,,magnanakaw at pulis na kidnaper,,,paniniwalaan ba mga yan,,magsalita lang saksakan pa ng yabang mga pu tang nang mga yan,,,lalu na si magleo,,,,chismoso para writer na bak la,,,,,

  2. Matagal ng ipinalabas ang concert na iyan ano pa ba ang bago. Di ba sa panahon ni De Lima nagkawatak watak ang mga gang na iyan tapos binabaligtad nila ngayon.

    1. yeah” may interview pa nga si robin padilla 2 year ago….by karen davila, si robin mismo nagsabi na nung naka kulong sya talagang maraming drugs sa bilibid (panahon ni Ramos ng makulong si robin padilla)

    2. Yap, matagal ng kalakaran ang droga, armas at iba pang iligal na umiikot sa bilibid base sa mga nababasa at napapanood ko. Kung lumala nung Delima time as Justice Secretary, di ko masabi. Sa opinyon ko, masyado lang hina-highlight ang pangyayari ngayon para madiin si Delima. Madali ang magparatang, magbunyag at mag akusa. Per dapat may kaakibat na pruweba. Dapat beyond reasonable doubt…… Pero kung may katotohanan nga ang mga accusations kay Delima na korte lang ang makakapagsabi, So be it. Dapat nyang panagutan sa batas… Nobody is above the law.