MPBL comm’r: Isipan patalasin

Ilang araw pagkaanunsyo ni Maharlika Pilipinas Basketball League commissioner Kenneth Duremdes sa tuluyang pagkansela sa 4th MPBL 2020-21 season, inabisuhan naman niya ang mga manlalaro na magpakatatag habang may global health pandemic pa rin.

Sa Tiebreaker Vods’ Crossover Podcast, kasama ang Smar, ipinunto top official ng liga sa mga basketbolista, “Just be strong mentally, ito yung pinaka importante rito.”

Ang paglaganap ng coronavirus disease,ang pumwersa sa liga na kanselahin na ang 2020-21 season na magbubukas sana dapat sa buwang ito, habang itutuloy ang ikatlong edisyon na nasa playofss pero pinatigil ng pandemiya dahil sa lockdown.

Iginiit ni Duremdes sa panayam na kailangan na bigyan importansya rin ng mga atleta ang kanilang mental state.

“Basketball players I believe athletic ‘yan e, konting conditioning lang ‘yan back to form ka na ulit babalik ka na ulit sa competitive form mo but the crucial is mental,” ani Duremdes. (Janiel Abby Toralba)