Laro ngayon: (Hamdan Sports Complex, Dubai, UAE)
6:30 p.m. – Davao Occidental vs Batangas
Pakay nina Mark Yee at Lester Alvarez na pahabain pa sa tig-4 ang ragasa ng Davao Occidental at Batangas City Athletics sa pagtutuos sa mamayang alas-6:30 ng gabi sa 3rd MPBL Lakan Cup elims sa Hamdan Sports Complex sa Dubai UAE.
Ito ang first out of the country game ng bagong sibol na liga sa Middle East oil rich Arab country kung saan papasok ang Davaoeños sa hardcourt bilang Group B topnotcher sa 13-2 win-loss record samantalang 4th-running ang Batangueños sa 9-4.
Yayanigin nina Yee at Alvarez ang venue na tiyak na magpapasaya sa mga lulusob na mga OFW.
Pabida si ex-pro Yee ng 22 marker, limang board, dalawang feed at isang steal nang nang lansagin ng Davao ang Basilan, 76-71, sa nakalipas na Sabado, Setyembre 21.
Muntik namang mag-triple-double job – 23 points, 10 assists at walong rebound – si Alvarez nang gripuhan ng Batangas ang Quezon City Capitals nitong Lunes, 105-80. (Aivan Episcope)