Angat ang laro ni Almond Vosotros, muling umalagwa para sa Caloocan Supremos tungo sa 74-69 pagdaig sa Imus Bandera kamakalawa sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup sa Imus Sports Complex.

Pumoste ng 21 puntos si Vosotros para pagbidahan ang two-game win streak ng Caloocan, na bahagyang umangat sa 4-8 win-loss record sa Northern Division.

Ito naman ang unang pagkatalo ng Bandera sa sarili nilang balwarte at ngayon ay bagsak sa 5-6 kartada sa Southern Division.

Sa unang laro, balik sa tamang posisyon ang Valenzuela Idol ng mapabagsak nito ang Pampanga Lanterns, 90-82, sa ilalim ng bagong coach na si Eric Samson.

Dating pinanguna­han ni Samson ang Parañaque Patriots hanggang sa lumipat ito sa Idols noong nakaraang buwan bilang assistant coach ni Chris Gavina. Pero bumaba si Gavina matapos ang sunod-sunod na pagkatalo ng koponan kaya si Samson ang tinalagang bagong coach ng Valenzuela.

Attachments area