Patuloy ang panana­lasa ni John Wilson matapos akbayan ang San Juan Knights sa 97-68 pananalasa sa Imus Bandera sa ­unang laro kahapon ng 3rd ­Maharlika ­Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup 2019 na ginanap sa Batangas State ­University.

Nanguna sa opensiba ang dating Gin KingS guard na si Wilson matapos rumagasa ng 19 points at 7 rebounds upang ibigay sa San Juan Knights ang ika-apat na sunod na panalo.

Bukod kay Wilson ay lumista rin ng double-digits si Jhonard Clarito na may 17 markers at 7 boards para patibayin ang defending champs San Juan sa unang ­puwesto sa Group A North Division hawak ang 18-2 kartada.

Sinundan naman ito ni Justine Baltazar sa kinalawit na 13 points at 13 rebounds.

“Naglaro lang ako ngayon sa MPBL kasi malaking chance ito at kailangan kong magpa­kita sa mga coach ko and teammate ko,” pahayag ni Justine Baltazar na itinanghal na best player of the game.

Hindi naman naging sapat ang ginawang 13 puntos ni Jarrel Lim para sa Imus na nanatiling nasa baba ng Group B South Division na may 5-15 kartada. (Aivan Episcope)