Isinugod sa hospital si Manila Police District Director PBGen Rolando Miranda matapos manikip ang dibdib kahapon ng umaga habang nagsasagawa ng inspeksyon sa ipinatutupad na `hard lockdown’ sa Sampaloc District sa Maynila.

Nalaman na pasado alas-11:00 ng umaga nang makaramdam ng paninikip ng dibdib si Miranda dahilan para isugod ito sa Chinese General Hospital.

Alas-12:30 ng tanghali nang mag text si Miranda sa Abante at sinabi nitong `maayos pa naman’ ang kanyang kalagayan.

“Sobrang init lang siguro kaya tumaas ang bp ko,” pahayag ni Miranda.

Sa ngayon ay pansamantala pang nagpahinga si Miranda matapos ang insidente.

Personal na pinangangasiwaan ni Miranda ang operasyon ng ipinatutupad na lockdown sa Sampaloc, Maynila nang makaramdam ito ng paninikip ng dibdib. (Juliet de Loza-Cudia)