Sinugod at niyakap ng tatlong anak si Adrian Beltre, halos sabay sa pagladlad ng banner sa centerfield sa Globe Life Park sa Arlington, Texas.
Naikonekta ng 38-anyos na Texas Rangers third baseman ang kanyang 3,000th career hit, at naging unang player mula Dominican Republic si Beltre, at 31st overall sa major leagues na nakakumpleto ng milestone.
Ikinahon ni Beltre ang 3K hit sa double sa fourth inning ng 10-6 loss ng Rangers sa Baltimore Orioles nitong Linggo. Inagaw ng Orioles ang panalo sa homers nina Jonathan Schoop at Welington Castillo sa five-run fifth.
Naiiwan na ang Rangers 4-0 nang kumonekta si Beltre, pinalagpas pa sa third base ang bola niya.
Pumuporma pa lang si Beltre na pumalo, nakalinya na sa railing ng first base dugout ang mga kakampi. Paglipad ng bola, suguran din sa field ang teammates.
“What happened today after the hit, it was the best moment in my life,” bulalas ni Beltre.
Talunan din ang dalawang anak na babae at junior ni Beltre mula sa kanilang front-row seats malapit sa dugout, kasama ng mga magulang ni Beltre.
Nasa kanyang 20th season sa big league, pangatlong player lang si Beltre na third baseman sa 3,000-hit club, sunod kina Hall of Famers George Brett at Wade Boggs.