
Pag lumabas na ang pitak na ito, nasa Gold Coast, Australia na si Mr. Philippines Jeff Langan, lumalaban sa pangmalakasang pageant for men, ang Manhunt International.
Sa December 2 pa ang pageant night at walang kaduda-duda ang diva that you love na ang Pinoy na may lahing Amerikano, lalaban sa patikasan, pakisigan, patalinuhan at mukhang puwedeng-puwede rin sa patigasan, huh!
Kailan niya ba nalaman na guapo siya?
Bago siya sumagot, tumawa nang marahan ang binatang makisig, “I think when I was 4 years old, it came from the friends of my grandma, they said I look like Richard Gomez.”
Sa true lang, akin lang ito ha, mas guapo siya kay Goma, huh!
Naka-sandong gray at jogger pants si Jeff at sumusungaw sa kanyang sando ang mga chest hairs niya. Inamin niya sa diva that you love na waxed ang mga ito come pageant time para smooth skinned siya. Sa mga may armpit hair fetish naman, walang satisfied ang inyong kili-kili cravings, dahil malago ang mga buhok nito.
Sa mga hindi na nakakaalala, ang ating Manhunt contestant eh pinag-akalaang boytoy ni Kris Aquino. Ito ‘yung panahong pangmalakasan pa ang morning show ni Aquino bilang ka-Dos. ‘Pag nalaman kaya ng Digital Empress ang pag-compete ni Langan, will she wish the young lad well? Kung sakaling magtagumpay ang binata, maglalambing kaya siya sa binata para makapanayam sa kanyang online program? Parang masaya ang kanilang reunion ‘pag nagkataon, hindi ba naman?
Eddie, Tony, Gloria nagbukas ng saradong isip
Alam ko maaga pa, pero my dear Abante Tonite readers, kung may isang pelikulang dapat niyong pag-ipunan at i-treat ang inyong pamilya sa taunang Metro Manila Film Festival, ito ay ang “Rainbow Sunset,” sa direksyon ni Joel Lamangan at sa panulat ni Eric Ramos.
Comeback MMFF movie ito ni Direk Joel at manalig kayo sa inyong diva that you love my Beautiful Ones pag sinabi ko sa inyong ang family dramang ito ay tunay na hahaplos sa inyong mga puso, magpapatulo sa inyong mga luha, at magbubukas ng mga saradong pag-iisip lalo na sa mga taong sinauna pa ang kaisipan tungkol sa kakaibang pagmamahalan.
Bakit kailangan na ito ang unahing panoorin? Sina Eddie Garcia, Gloria Romero at Tony Mabesa ang pangunahing mga dahilan.
Given na mahusay na sina Sir Eddie at si Ms. Gloria kaya ang pusong-puso na pagbibigay-katauhan ni Mabesa kay Fredo ay sobrang pleasant and welcome surprise. Alam kong sakdal husay na theater actor si Sir Tony kaya hindi na ako masyadong nagtaka na sakdal husay siya bilang kababata at matalik na kaibigan ni Ramon, ang katauhan ni Sir Eddie. Sa ganang akin, ito ang pinakamahusay niyang pagganap.
Sina Sheido Roxas, Ross Pesigan at Max Collins na gumanap na younger Ramon, Fredo at Sylvia, iba rin ang dynamics, iba ang approach, iba ang hagod. Pagkaganda-ganda ni Max sa pelikula, believable na siya ang batang Gloria. Hotter than hot ang masarap na si Sheido at talagang sinagpang ni Ross ang kanyang katauhan na beki with a golden heart.
Ang susunod na trio con brio na binubuo nina Aiko Melendez, Sunshine Dizon at Tirso Cruz III, may kanya-kanyang lakas at kahinaan, lalo na bilang magkakapatid. Sa pelikula sila ang buhay na patotoo sa kasabihang blood is thicker than water.
Gusto ko rin ang pagiging Inglisero ni Noel Comia na gumanap na anak ni Melendez at Marcus Madrigal.
Matapos kong mag-iiyak habang kasama ang iba pang entertainment press na dumausdos din ang mga luha sa kanilang well moisturized face, “Rainbow Sunset” made me realize na pink love can, and is forever. And so is family.