Tiwala si Public A­ttorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta na uusad ang motion for reconsideration ng isinampa ng kanilang sa Quezon City Regional Trial Court para isulong ang consolidated 32 kasong sibil laban sa mga opis-yales ng French pharmaceutical na Sanofi Pasteur Inc. at distributor nitong Zuellig Pharma Corp. bunsod ng pagkamatay ng isang batang nabukunahan ng kontrobesyal na Dengvaxia.

Matatandaang noong Nobyembre 2018 ng paputukin ng manufacturer na Sanofi Pasteur, ang Dengvaxia vaccine na maaaring magkaroon ng masamang sintomas sa mga hindi pa nagkakaroon ng sakit na dengue.

Sinisisi ng mga nagrereklamong magulang ang Sanofi Pasteur bunsod ng pagkukulang nito na maipaalam sa publiko ang delikadong epekto ng dengvaxia dahilan sa kawalan nito ng label ng safety war-nings o instructions sa produkto nito.

Anila, nararapat na papanagutin ang Z­uellig sa pagbebenta ng mga nasabing bakuna para sa mass immunization ng halos mahigit 800,000 kabataan sa mga eskuwelahan.

Nauna rito, ibinasura ni QCRTC Branch 226 Judge Manuel Sta. Cruz Jr. ang mosyon ng mga opisyales ng Sanofi at Zuellig Pharma para idismiss ang mga kaso ng nagrereklamong magulang.

Pinagtibay din ng hukom ang reklamo ng magulang ng 13-an-yos na namatay na biktimang si Abbie Hedia bunsod ng may basehan matapos mamatay ito noong Pebrero 10, 2018.

“Hypothetically admitting the mentioned allegations together with other facts alleged in the complaint, the court may render a judgment upon the same,” naka saad sa court order.