TIYAK na ang asosasyon de los maricones sa Madrid at Maspalomas, España eh darang na darang sa kisig, tindig, at tikas ni John Raspado.

Kasi nga, siya ang unang Filipino maricon at Asian na inuwi ang sash at bragging rights bilang Mr. Gay World.

Ayaw niya ring hamigin ang special awards, huh?!

Si Raspado ang Mr. Popularity, Mr. Social Media, Best in Interview, Best in Swimwear, at Best in Formal Wear.

Best in Formal Wear.

They love you, John. They really love you.

Ano ba ang taglay mong pambihira at maliban sa major title, ang superlative sashes eh ibinigay sa iyo?

Well… tall, dark & handsome si Ginoong Raspado at tiyak na mahusay, confident, & witty siya sa all important Question and Answer portion.

Sana, ngayong title holder na siya, more doors will open for him.

Pwede niyang simulan ang boy borta revolution sa showbiz, huh?!

***

May showbiz connect si John.

BLUMARK at ORLANDO
BLUMARK at ORLANDO

Maliban sa pagiging Mr. PoGay ng It’s Showtime, dapat siya rin ang boy borta sa bidyo ni Orlando Sol para sa kantang Kailan Darating Ang Ayoko Na.

Hindi siya ang nagwagi sa final casting. Kasi, sobrang statuesque ni John at asiwa silang tignan ni Orlando as a love pair.

Kaya si Blumark Roces ang gumanap sa all important boy borta role.

Syanga pala, ang Part 3 ng video­series na Kailan Darating Ang ­Ayoko Na ay mapapanood mamayang 6:00 PM sa YouTube channel ng ABS-CBN Star Music.

***

Ang isa pang showbiz connect ni John, tama sigurong si Nelson Canlas na lang ang inyong tanungin.

Masaya kaya o awkward moment sakaling kay Canlas i-assign na kapanaya­m­in si John pag-uwi nito?

I-cue at patugtugin ang Iisa Pa Lamang para updated kayo sa showbiz happenings!

One Response