Bagamat nasa gitna ng enhanced community quarantine nagsagawa ng online pageant ang Cebu Young Talent . Ito’y tinawag na Mister QuaranTEEN Ambassador .
Ang mga kasali ay nasa edad 14 hanggang 17 . Nagmumula sila sa iba’t ibang lugar sa Cebu.
Ang online pageant ay ginawa upang mabigyan ng karagdagang entertainment ang mga Cebuano. Makakatulong din ito sa pag-iwas ng pagkabagot habang umiiral ang stay at home .Isa rin itong paraan para maibsan ang takot na nararamdaman ng ating mga kababayan habang may COVID crisis.
Nagsimula ang Mister QuaranTEEN Ambassador noong May 3. Ipinakilala ang mga kandidato na sina Lance Sebastian ng Lapu Lapu, Sam Panonce ng Lahug, Bran Caballes ng Guadalupe, Bryan Acuna ng Naga, Nate Dela Cruz ng Argao, Brylle Canada ng Naga, Nicolais Buante ng Liloan at Kenji Ministero ng Mango.
Noong May 5 ay isinagawa ang introduction and statement.Gaganapin naman casual and sports wear segment sa May 8; question and answer sa May 12 at awarding sa May 13 . May pakulo at sorpresa online sa araw na ito.
Ang mga activities ng pageant ay gagawin habang naka-stay at home.
Masasaksihan ang update ng Mister QuaranTEEN Ambassador sa official facebook page ng Cebu Young Talent.
Ang mga magwawagi ay makakatanggap ng cash prize at gift pack . Abangan kung sino sa mga bagets ang magwawagi bilang kauna-unahang Mister QuaranTEEN Ambassador sa Cebu.
Sa mga gustong sumuporta makipag-ugnayan sa Cebu Young Talent, 09569425399 o mag-email sa youngtlnt@gmail.com.