MRT-3 namigay ng Malasakit Help Kit, libreng sakay sa kababaihan

Kaugnay sa selebrasyon ng International ­Women’s Day, nakiisa ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa pamamagitan ng pamimigay ng Malasakit Help Kits at libreng sakay sa itinalagang oras para sa mga babaeng pasahero.

Katuwang ang Department of Transportation (DOTr), siniguro nilang magiging espesyal para sa kababaihan ang nasabing okasyon na kung saan naglaan sila ng isang puwesto sa Cubao station, Shaw Blvd. station, Ayala station, at Taft station para mamigay ng kit.

Para mas maalala ang okasyon ay naglagay pa sila ng photo booth sa Ayala station para sa mga nais magpakuha ng larawan.

Libre naman ang sakay sa tren bandang alas-7:00 am hanggang alas-9:00 am at sa hapon ay alas-5:00 hanggang alas-7:00 ng gabi para sa mga nanay, ate, lola, tita at lahat ng babae. (Vick Aquino)