MRT-3 ‘sumabog’, 500 pasahero nag-panic

Nataranta sa takot ang mga ­pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 makaraang umusok ang sinasakyang tren ng mga ito sa area ng Santolan Station sa Quezon City at makarinig ng pagsabog na nataon pa sa rush hour nitong Lunes ng hapon.

Batay sa inisyung advisory ng MRT-3, ­dakong alas-4:08 nang hapon nang ­mapuna ng train driver ang usok mula sa isang tren nila sa northbound ng ­Santolan Station.

Dahil rito agad na pinababa ang nasa 500 ­pasahero sa nasabing istasyon para maayos ang biglaang aberya.

Agad ding pinunta­han ng mga tauhan ng maintenance ­provider ng MRT-3 na Sumitomo-­Mitsubishi Heavy ang umusok na tren upang alamin ang naging ­dahilan ng aberya at para kumpunihin ito.

Pagsapit ng ­alas-4:30 nang hapon ay nagpasya ang MRT-3 na magpatupad ng provisionary service o limi­tahan ang biyahe ng kanilang mga tren mula Shaw Boulevard hanggang Taft Avenue at vice versa habang hindi pa naaayos ang problema.

Dakong alas-6:06 ng gabi ay inihayag ng MRT-3 na balik na sa normal ang biyahe nito pero patuloy pa ang pag-iimbestiga sa insidente.

Humingi ng paumanhin ang ­pamunuan ng MRT-3 sa mga naabalang pasahero at sinabing ­magsasagawa ng masusing imbestigasyon ang maintenance provider nito na ­Sumitomo-Mitsubishi Heavy hinggil sa ­insident.

Samantala, isang netizen na sakay ng umusok na tren ang nag-post sa ­Twitter ng video habang ­patakbong lumalabas ang mga pasahero nito.

Sabi ni John ­Gelano sa kanyang video post, may nangyaring pagsabog sa istasyon ng MRT-3 kasunod nito ay ­nagsigawan na umano ang mga pasahero na may sumasabog.

“mrt technical pro­blem? no. something ­exploded on that station. I was there. Listening to khalid on max when I heard a loud bang. then everybody started screaming ­SUMASABOG ANG TREN PALABASIN NIYO kame,” ayon kay Gelano.

Aniya pa, ­makapal ang usok at ­nahirapan silang makahinga at ­inabot pa ng isang ­minute bago nila ­nabuksan ang pintuan ng nagkaabe