Kahit singko ayaw ng isang mambabatas na magbayad ang gobyerno sa illegal contract ng Metro Rail Transit (MRT) sa maintenance provider nito na Busan Universal Rail Inc. (BURI).
Ayon kay Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Rep. Jericho Nograles alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang korupsyon at hindi rin dapat magpatuloy na magbayad ang gobyerno sa palpak na serbisyo ng BURI.
Ani Nograles kanyang isusulong sa House Committee on Appropriations na isantabi ang deliberasyon sa budget item para sa maintenance ng MRT3 hanggang sa hindi tuluyang ibinabasura ang illegal contract nito sa BURI na nagkakahalaga ng P3.8B.
Nabatid na P54M kada buwan ang ibinabayad sa service provider ng MRT3 gayong palpak ang serbisyo nito kung saan ay madalas nagkakaaberya dahil na rin sa hindi maasahan na pagseserbisyo ng BURI.