MRT tinamaan ng kidlat

mrt-line3

Inabot ng ­aberya ka­gabi ang biyahe ng ­Metro Rail Transit (MRT) 3 dahil sa aksidenteng hindi gawa ng tao kundi sanhi ng kalikasan.

Ang dahilan ay tinamaan ng kidlat ang catenary cable ng MRT dakong alas-siyete kagabi kung kaya’t tumirik o huminto ang biyahe ng tren nikto sa pagitan ng Ortigas at Santolan stations southbound sa kahabaan ng EDSA.

Dahil sa pangyayari, mula sa Shaw Boulevard hanggang Taft Avenue na lamang ang biyahe ng MRT.

Mahigit sa 10 minuto rin na nanatili sa loob ng tren ang mga pasa­herong na-delay sa kanilang biyahe dahil sa kidlat na tumama sa catenary cable nito bago sila ina­bisuhang lumabas na ng mga engineer ng MRT matapos matiyak na ligtas na silang makalabas.

Ang catenary cable ang siyang nagsusuplay ng kuryente na nagpapatakbo sa tren ng LRT.