Muli na namang tumirik ang isang tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) Linggo nang umaga.
Ayon sa pamunuan ng MRT, nasira ang isang stretcher bar sa North Avenue Station na kung saan apektado ang biyahe mula Shaw Boulevard hanggang Taft Avenue at agad namang pinalitan ang nasirang stretcher bar bandang alas-9:00 nang umaga at isinasailalim sa retightening at calibration.
Bumalik sa normal ang operation bandang alas-12:22 nang tanghali na nakitaan ng pagdagsa ng mga pasahero at pagkainis naman ng ilan dahil tumirik na naman ang MRT. (Vick Aquino)