Ms Colombia, nagmaasim!

Ariadna Gutierrez

HAVEY: Napansin ng kanyang fans na lagi na lang nasa abroad si KC Concepcion para sa mga personal na lakad o charity events, at kung nandito man siya sa Pilipinas, ang kanyang tuon ay ang pagsu-shoot ng commercials.

Ang tanong: kailan ba mapapanood ulit si KC sa TV?

Nakasama siya ni Juday sa teleserye na Huwag Ka Lang Mawawala. Tapos, pumasok siya sa Book 2 ng ser­yeng Ikaw Lamang.

Sa hosting, ang pinaka-recent assignment niya ay ang pagho-host ng Bb. Pili­pinas pageant.

Pagkatapos nu’n ay naging madalang na ang paglabas sa telebisyon at pelikula ni KC. Anyare?

Magpaganunpa’y may bago kaming nabalitaan. Kasama si KC sa isang bagong mala-fantaseryeng programa na kinabibilangan ng bagets loveteam na galing Pinoy Big Brother na si Bailey at Ylona.

***

WALEY: Nagpapakontrobersyal na naman si Ariadna Gutierrez, ang Miss Colombia 2014 na Miss Universe 2015 First Runner-up.

Sa isang TV interview, ‘Ary’ (palayaw niya) claims na “she wasn’t invited by the Miss Universe Organization to perform her duties as first runner-up of Miss Universe 2015.”

“She pointed out that during the time that Pia Wurtzbach couldn’t go to Indonesia for Puteri Indonesia 2016, the organization (MUO) should have been considered her to attend the Miss Universe Indonesia Pageant.

“Pia didn’t attend the event last February ‘coz of her busy schedule at New York Fashion Week. So Puteri Indonesia Organization decided to invite Miss International 2015 Edymar Martinez of Venezuela to grace the event.”

Ariadna Gutierrez, who plays as Vin Diesel’s love interest in XXX 3 The Return of Xander Cage, also questioned Miss USA 2015/ Miss Universe 2015 2nd Runner-up Olivia Jordan’s charitable activities with reigning Miss Universe Pia Wurtzbach, sabi sa tv report sa Colombia.

Sobrang inggit siguro ni Ariadna kay Oli­via Jordan na kasa-kasama ni Pia Wurtzbach sa ilang events dahil ito ang reigning Miss USA,

Ang Miss USA ay under din sa Miss Universe Organization (MUO), kaya may panahon na share sila sa isang posh unit na tahanan nila sa New York.

Pero gaano katotoo na may agreement na raw si Ary with the MUO na mag-quit na lang ito sa anumang duties as First Runner- Up para maiwasan ang anumang posibleng problema with the fans at iba pang awkward situations?

Masaya raw si Ary sa kasunduang iyun, at ang sabi’y that was the best decision that she ever did.

Totoo kaya itong agreement na ito? Kung ganoon pala, bakit nagpa-interview pa siya tungkol rito na tonong nagmamaasim pa?

Sana, naka-move on na itong first runner up na ito na wrongly announced bilang (pinakamabilis putungan at alisan ng korona na) Miss Universe sa kasaysayan!