Mt. Apo ‘di nagising sa lindol

Pinabulaanan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang lumalabas na ulat na maaaring magising ang Mt. Apo dahil sa serye ng lindol na naganap sa Mindanao.

Ayon kay Phivolcs-Seismological Observation and Earthquake Prediction Division office-in-charge Esmael Narag, naiintindihan nila kung bakit ganito ang obserbasyon ng ilang indibidwal dahil ang Mt. Apo ay matatagpuan sa pagitan ng Davao City at Davao del Sur.

Gayunpaman walang katotohanan na magigising ang Mt. Apo dahil sa naganap na lindol. Wala din umanong basehan na sabihing ang paggalaw ng Mt. Apo ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng pag­yanig. (Tina Mendoza)